Archive for June, 2005

Mumu sa Ibon

Wednesday, June 15th, 2005

hehehe, akala ko magtatapos ang araw na ito na usual. papasok sa umaga (syempre late), mag-ja-juggle ng tasks (na wala namang matatapos), makikipagkwentuhan kay Sweet Mary (ang desk mate ko), magtsitsibog at magbabasa ng dyaryo.

pero no, mga 4 pm, may narinig akong kaunting commotion sa door ng admin office namin. naririnig kong may sinasabi ang super excited na si April (admin officer namin) about sa picture niya na kinuha ng isa naming officemate.

well, to cut it short, kinuhanan siya ng back pose sa may pintuan at may lumabas na image dun sa picture - image ng isang nakangiti na person na nakapose din for the camera, at nakaupo sa may tabi ng pinto - except na wala talagang nakaupo dun at that time.

kwento ni jon (ang kumuha ng picture), nung pinosisyon na niya ang kanyang cel ay may nakita siyang dumungaw pero nung sinilip niya wala naman.

so for the next hour, kumalat sa buong corridor ang "apparition". pati mga staff ng katabi naming company ay nakitingin din sa picture. syempre mixed reaction sa lahat, may mga natakot, may mga namangha, may mga di naniwala - optical illusion lang daw, or baka nagkapatong sa image. pero it was clear lahat talagang naging wary uli about walking in the corridor or being left alone sa kani-kanilang kwarto. (marami rin talaga kasing nakikitang "others" sa corridor namin)

niwei, lahat ng doubts na-settle nang pinakita kay Mang Toto ang picture (siya ang resident maintenance man sa building at nagsasara ng mga ilaw pag uwian). sabi niya, kamukha raw ng image yung babaeng dating employee ng 2nd floor (3rd floor kami) na pinatay daw three days ago sa bahay nito sa Mandaluyong.

syempre shocked ako nung nalaman ko ‘to, kasi yung perception ko sa picture, talagang nakangiti yung image at masaya, ang ganda nga ng skin parang nagpa-facial at nakasalamin. kala ko nga nung una lalaki.

actually, di ako ganun natakot. mukha naman kasing mabait yung image and di na siya nagparamdam after nun. well di ko pa nakikita yung lalaking pugot ang ulo at yung babaeng umiiyak, at yung kamay na biglang nang-susunggab pagliko mo ng corridor papunta sa elevator kapag mejo nakapatay na most ng lights (o baka naman rapist yun).

niwei, sana maging tahimik na kaluluwa niya this coming days. maski baka ma-feature ang image niya sa wag kukurap…

my June 12 dilemma

Sunday, June 12th, 2005

happy independency day! hehe, grabe na ito, sino ba’ng nagsabi na art mirrors life? ang totoong buhay naman minsan parang pelikula.

i’m sure by now everybody’s (at least yung mga nagbabasa ng dyaryo or nakakanuod ng balita sa TV) talking about the GMA tapes, the ala-GMA gate scandal daw. This Sonny Ong guy’s afraid for his life right now, after niya ibinalita na nasa kanya ang "mother of all tapes" that would show na nandaya talaga si GMA noong 2004 elections.

eh di ba halos lahat naman alam na yan? di lang siya suspetsya, di ba talagang may mga accounts dati pa ng vote rigging, tampering, disenfranchisement ng voters, etc. kasi naman, mahirap talagang isipin na walang pandarayang nangyari gayong everything was in PGMA’s disposal back them - the machinery, the goons, the money, and of course Uncle Sam’s backing.

speaking of Uncle Sam, nagtataka nga ko ba’t kinukuhanan pa ng side ng media ang US Embassy, as if they have the right to speak. or baka ini-insinuate rin ng media na anumang mangyari sa govt, palagi silang may kinalaman.

actually, baka nga CIA lang ang nasa likod ng mga tapes, or baka alam din ng Malakanyang yun, di ba? i mean, kaya exciting ang mga pangyayari nga yon kasi parang pelikulang andaming plots, di mo alam kung sinong bida, basta ang alam mo maraming kontrabida.

di mo na rin alam kung sino paniniwalaan mo. A GMA ouster is not a remote possibility even before lumabas itong mga scandal sa jueteng links ng family niya, and the tapes of electoral fraud. We all know she won the elections with a very weak mandate, 2001 pa nga lang questionable na ang kanyang credibility. and now na wala siyang magawang matino to bail us out of this economic crisis, which i may say is a result of US-led corporate globalization and inherent local corruption and neo-feudal relations, a GMA ouster is really justified.

but two things bother me here. to be fair with GMA, lahat naman ng naging presidente natin may mga baho, eh. for one, they all came from landed families and associated with monopoly capitalists, and more importantly, they all had blessings from the US. so it would be unfair to say that GMA is the root of all our problems. but definitely siya ang may pinakamalaking inutang (ekonomista pa naman siya) mula sa mga foreign banks and credit agencies, kaya nga nasa debt crisis tayo (of course major factor na d’yan ang mga Marcos debts).

second, sino naman ang papalit sa kanya kung mapalayas siya. si Kabayan? i mean, the govt is already rotten because the political system is rotten. but just the same, you know wala ring signipikanteng pagbabago sa bansa in the next five years kung nasa poder pa rin sa GMA. Her VAT? ano ba! WB-IMF imposition lang yan para patuloy pa rin silang kumita sa atin through our debts to them.

it’s just sad. we’re celebrating our 107th founding (59th kung 1946 at i-delete ang American period), and here we are facing another dilemma. should we go now to the streets and stage another People’s Power, or should we simply go to the streets and let our voices be heard but just wait for our lawmakers to stage an impeachment, hope "the truth comes out" and prevent the country from going into a messier mess?

for i’m sure through all these scandals, ordinary Filipinos would still pay the price, while Uncle Sam and his minions would still have the last laugh.

Saturday, June 4th, 2005

One thing why i decided to name my URL sa Friendster blogs as "my temper" is

because exactly of my temper. Minsan nagugulat na lang ako sa sarili ko kapag sobrang inis or pressured or pissed off ako sa isang bagay, tao o sitwasyon, i just snapped off at kung anu-ano na lumalabas sa bibig. Para naman kaya ko makipag-away sa payat kong ito.

Ewan ko ba, even everyday things like commuting to work or going home from work, or just plain commuting, madaling uminit ang ulo ko. siguro dahil sa trapik, or sa katabi ko sa dyip, or sa drayber ng dyip, or sa init ng panahon (maski umuulan na).

Feeling ko nga evil commuter ako, kasi i really get easily pissed off kapag di maganda upo ng katabi ko. Minsan kung lalaki katabi ko, feeling pamacho, ang laki ng bukaka para naman ang laki ng ano niya. Kapag babae naman, kala mo nasa bahay o nasa parlor, doble ang upo nakadungaw sa bintana para namang may lalaking titingin sa kanya. syempre kung babae, mas mahirap kung mahaba ang buhok di ba? halos makain muna yung buhok, dyahe yun syempre maski nag-shampoo siya.

and then of course the drivers - yung mga tipong aakyat ka pa lang at di pa sumasayad paa mo sa dyip niya eh umaandar na siya, o kung bababa ka eh nasa loob pa ng dyip ang isa mong paa  (very common sa mga stop&shop/sta.mesa jeeps), o di kaya ibababa ka sa gitna ng daan (kapag sa philcoa baba mo). Ang weird pa minsan ang lakas na nga ng boses parang hindi ka maintindihan ng drayber. "Manong sa PHILCOA ho, isa", sabay tugon ng drayber (o konduktor), "Sa COA?" or something like that. Tapos kapag may ibang pasahero na nagsabi rin ng Philcoa, malinaw naman pagkarinig. Ano ba ko, may malalang stutter?

hay, kagabi nga eh di umuulan, as usual binaba ako sa bandang labas na ng pink fence sa Philcoa, ok lang naisip ko kasi ako lang naman bababa. ok na sana kaso yung nakasabit nakatingin nang malayo sa labas, eh umaandar na ang dyip so i had to make a move. i said excuse me naman kaso hindi lumingon yung nakasabit, eh di tinulak ko yung braso niya, muntik ko na nga siya matulak nang tuluyang ata, sabay baba ko na. afterwards, talagang ramdam ko yung mga stares nung nakasabit saka yung mga ibang pasahero sa’kin, tumingin ako sa kanila at sabay itinaas ko ang kaliwang kamay ko, na naka-@#!